Children's Month Celebration


     “Isulong: Tamang Pag-aaruga Para sa mga Bata”. Tema para sa Children’s month celebration ngayong taon. Selebrasyong dapat ilaan para sa mga bata upang bigyan sila ng kasiyahan.
    
    Ngunit hindi lang dapat sa buwan na iyan bigyan ang mga bata ng kasiyahan. Dahil kung maaari, ay minu-minuto silang nakangiti at masaya dahil iyon ang pangunahin nilang karapatan. Kailangan nila ng wastong pag-aaruga at pagmamahal. Ang isang munting bata kasi ay nangangailangan ng sapat na pag-unawa dahil sila ay nagiging curious pa lamang sa mga bagay-bagay. Marami silang mga katanungang dapat sagutin ng mga nakatatanda upang sila ay matuto. Sabi rin nila, kung paano mag-alaga ang mga magulang ay nakikita sa kung ano ang tinataglay ng isang bata. Kaya upang maging magandang imahe ang isang magulang, kailangan niyang arugain ang kaniyang anak ng mabuti. Karapatan ng isang abta ang maging mga malaya. Hindi sila kailangan pigilan sa mga bagay na gusto nilang gawin basta alam nating hindi iyong nakasasama sa kanila.
    
    Dapat lang na isulong ang tamang pag-aaruga sa mga bata upang sa hinaharap, maging mabuti rin silang tao balang araw. Walang magiging hinanakit sa kanilang mga damdamin kung sakali mang may pagkukulang o di kaya’y hindi magandang pagtrato. Ang isang bata, hindi pa masyadong buo ang nilalaman ng kaniyang isip upang maintindihan ang mga bagay bagay kaya kailangan lang talaga nila ng gabay.

Comments

Popular posts from this blog

RESILIENCY OF FILIPINOS DURING DISASTER

NUTRITION MONTH 2018

Buwan ng Wika 2018