ESP MONTH 2018



        "Mapanuring paggamit ng gadyet: tungo sa mapagkalingang ugnayan sa pamilysa at sa kapwa". Ito ang temang ginamit para sa pagdiriwang ng buwan ng ESP ngayong taon.

        Sa panahon na kasi ngayon, nilamon na halos lahat ng tao sa paggamit ng mga gadyet, pati mga maliliit na bata ay marunong nang gumamit. Maraming mga magulang ngayon ang nagbabawal sa kani-kanilang mga anak sa sobrang paggamit ng mga gadyet. Ngunit karamihan naman ngayon, para aa kanila ay napakalaking tulong lalo na sa kanilang pag-aaral at para maging updated sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid ngayon. Ngunit ang pinupunto ng mga magulang, gusto lang nilang makaiwas ang mga anak sa mga sakit na maidudulot ng pag-o-overuse ng mga gadgets. Naiisip na maaaring sa maling landaa mahantong ang buhay ng mga bata at baka mapabayaan ang kanilang mga pag-aaral.

             Kahit kailan naman ay hindi naging masama ang paggamit ng mga gadyet. Hindi naman maiiwasan ang paggamit ng mga ito ngunit kahit papaano'y matutong bawasan lang. Lagyan ng limitasyon ang ating mga sarili upang walang masamang kahihinatnan nito.

Comments

  1. Tama ang iyong ginawang artikulo,dapat bilang mga milenyal ingatan natin ang sobrang paggamit ng mga gadyet.

    ReplyDelete
  2. Ang iyong artikulo ay nagpapakita ng pag-iingat nating mga kabataan sa paggamit ng gadget, napakahusay Ana Rose!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

RESILIENCY OF FILIPINOS DURING DISASTER

NUTRITION MONTH 2018

Buwan ng Wika 2018