Buwan ng Wika 2018

      Ang Filipino ay ang wika natin dito sa Pilipinas, at siguro lahat tayo ay alam iyon. Ngunit sa panahon ngayon, lahat pa ba ng mga Pilipino ay gumagamit ng wikang ito?
     Tuwing buwan ng Agosto, ipinagdiriwang ang buwan ng wika na kung saan nagpapaalala sa atin ang kahalagahan ng ating wikang pambansa na dapat nating tangkilikin. Ngunit sa pagkakaalam ko sa panahon ngayon, marami na sa ating mga Pilipino ang hindi gumagamit sa ating sariling wika. May mga maliliit na bata palang ay pinaplano nang palakihin ito nang masasanay sa wikang ingles. "Filipino: Wika ng Saliksik". Ang tema sa taong ito ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Sa pamamagitan ng tema, layon ng Komisyom sa Wikang Filipino na palaganapin ang wikang Filipino sa iba't ibang larangan ng karunungan, lalo na sa agham at matematika. At hindi lang dapat sa buwag ng Agosto na siyang buwan ng wika inaalala ang mga ito kundi alalahanin ito habang buhay dahil pinanganak kanh isang Pilipino at mananatili kang Pilipino hanggang kamatayan.
     

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

RESILIENCY OF FILIPINOS DURING DISASTER

NUTRITION MONTH 2018